Nangangailangan ang Department of Education (DepEd) ng mas marami pang guro para sa Math at Science, ito ay sa kabila ng mataas na bilang ng mga gurong natanggap para sa K to 12, na pumalo na sa 195,302 sa pagitan ng 2010 at 2016.
“Kailangan pa ng DepEd ng mas maraming guro sa Math at Science. Hindi kami nagtatanggal, kami ay tumatanggap,” ito ang sinabi kamakailan ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones sa mga mambabatas sa ginanap na hearing para sa budget ng DepEd sa 2017.
Ayon pa kay Briones, hindi nagkatotoo ang kinatatakutan ng marami na mawawalan ng trabaho ang mga gurong maapektuhan sa implementasyon ng K to 12. Sa binuksang 36,461 teaching items para sa senior high school (SHS) program, umabot na sa 3,950 guro mula sa mga kolehiyo at unibersidad ang nabigyan ng teaching position. “Sa katunayan, ang 928 sa kanila ay nakapasok sa pamamagitan ng “Green Lane” para sa mas mabilis na pagproseso ng kanilang aplikasyon,” dagdag pa ni Briones.
Mas mataas ang alok ng DepEd sa mga nagtapos ng kurso sa Science at Technology sa ilalim ng Junior Level Science Scholarships (JLSS) ng Department of Science and Technology-Science Education Institute (SEI). Noong Hunyo 21, 2016, may 502 na ang pumasa para sa scholarship grant ng ahensiya.
Alinsunod sa Implementing Rules and Regulations of Republic Act 10612, s. 2014, ang DepEd ay may mandatong siguruhin na ang mga kwalipikadong nagsipagtapos sa ilalim ng scholarship program na ito ay makakuha ng trabaho bilang Special Science Teacher na may salary grade level 13. Sasailalim din sila sa teacher training program na makatutulong sa kanila upang makakuha ng Licensure Examination for Teachers (LET).
Ang mga nagtapos sa kursong Science, Math o Engineering na walang Licensure Exam for Teachers, ang mga nagtapos ng technical-vocational courses na may sertipikasyon mula sa TESDA, at iba pang guro na may specialized learning areas na angkop sa K to 12 ay hinihimok din na magpasa ng aplikasyon upang makapagturo sa SHS.
Sa iminumungkahing P567.56 bilyon na budget ng DepEd para sa 2017, ang P15.5 bilyon ay para sa pagkuha ng 53,831 guro